Mga sindikatong hao siao winalis sa Customs

MAYROON tayong mga kasabihan na bago mo pintasan ang dungis ng iba ay linisin mo muna ang dungis ng iyong sariling bakuran.

Kumbaga sa Bureau of Customs (BOC), paano masusugpo ang mga namamahay na ismagler dito kung ang mga kasabwat ng mga ito ay kumikilos mismo sa bakuran ng byuru na hindi masawa-sawata?

Sa kabila nang kaliwa’t kanang pagbanat kay Customs Comm. Ruffy Biazon ng kanyang mga kritiko ay hindi tumitigil si komisyoner sa paglinis sa mga basura at sa mga salot ng Aduana.

Ang isa sa patunay rito ay ang pagkakabuwag ni Biazon sa sindikato na binubuo ng pitong nagpapanggap na taga-Customs o ‘hao siao’ na mga kawani.

Mantakin ninyo, ang kakapal ng pagmumukha ng pitong mandurugas na ito na gumagamit ng mga pekeng ID ng BOC para lang makapandugas at ang dalawa sa mga ito ay mga broker ng Jade Brother Brokerage.

Ang kapal ng mga mukha ng mga ito at may sarili pang mga opisina sa loob ng Customs na kumpleto  sa mga kagamitan para nga naman  magmukhang opisina.

Ang modus operandi ng sindikato ay makipagtransaksyon sa mga importer/broker kung gusto nilang magpalusot ng mga epektos o kargamento.

Nahuli lamang ang pito matapos ang ginawang pagdakip ni Biazon sa isang Nilo Peñaflor na nagpakilalang kamag-anak daw siya ni Biazon.

Ang masakit pa ginamit na ang tanggapan ng BOC ay nagpanggap pang kamag-anak ni Biazon.

Sakla sa Las Piñas pader

Ano ba itong big-time na bangka ng sakla sa Las Piñas na nagngangalang Jun Lontoc.

Ang balita ko ay malakas daw ito kay Las Piñas Mayor Nene Aguilar kaya nakapag-o-operate ito ng kanyang saklahan sa nasabing siyudad. Ilan sa mga kadikit ni mayor ang umanoy naging backer nitong si Lontoc.

oOo

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog @yahoo. com.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply