Mga tiwaling opisyal ng immigration, POEA sabit sa pagpupuslit ng OFWs sa Syria

NANINIWALA ang grupong Migrante na hangga’t hindi napaparusahan ang mga tiwaling opisyal sa Bureau of Immigration (BI) at sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), malaking hamon sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal recruitment ang patuloy na pagpupuslit ng mga overseas Filipino worker (OFWs) sa bansang Syria.

Ayon pa kay John Monterona, Migrante ME regional coordinator, ginagawang entry point o pasukan ng mga OFW ang mga bansang Singapore, Qatar at United Arab Emirates (UAE) bago magtungo sa Syria, sa kabila ng pagbabawal ng Aquino administration na magtrabaho sa nasabing bansa.

Sinabi pa ni Monterona na papaano nakakalusot sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  ang mga desperadong Pilipino na gustong magtrabaho sa Syria kung walang kakutsaba ang sindikato ng illegal recruitment na mga tiwaling opisyal ng POEA at BI.

Ibinulgar pa nito na hindi lamang sa Syria, kundi maging sa Lebanon, Jordan, Irag at Afghanistan nagtutungo ang mga ipinupuslit na mga OFW, gamit ang tourist visa.

Ayon pa kay Monterona, bagama’t patuloy na pinaaalalahanan ng pamahalaan ang mga OFW na huwag magtungo sa Syria para magtrabaho, dapat din pagtuunan ng pansin ng pamahalaang Aquino ang mga naglipanang illegal recruitment at ikulong ang mga nagpapatakbo at kasabwat sa pamahalaan ng mga illegal recruiter.

“Most importantly, the Aquino administration must seriously create local jobs with decent pay and benefits,” paniniwala pa ni Monterona.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply