Mga tutol sa PCOS, iimbitahan sa dayalogo – Comelec

MAGDARAOS ng dayalogo ang Commission on Elections (Comelec) kasama ang mga grupong tutol sa plano ng poll body na pagbili at muling paggamit ng precinct count optical scan (PCOS) machines sa midterm elections sa susunod na taon.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, inimbitahan nila para sa isang dayalogo ang mga grupong nagpetisyon sa Korte Suprema laban sa pagbili ng mga nasabing PCOS machine, kabilang ang Solidarity for Sovereignty, Davao Bishop Fernando Capalla, Automated Election Systems (AES) Watch at iba pang mula sa information technology o IT community.

Layunin, aniya, ng dayalogo na mahikayat ang mga miyembro ng IT community na sa halip na batikusin, ay suportahan na lamang ang Comelec sa muling pag-computerized ng halalan sa 2013.

Tiniyak naman ni Brillantes na anumang problema ng mga kinukuwestyong makina ay naiayos na ng Smartmatic bago pa sila nagdesisyong bilhin ang mga ito.

Ang nasabing dayalogo ay gagawin dakong 2:00 ng hapon, sa Hunyo 27, sa punong tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Maynila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply