Miami Heat, kampeon ng 2012 NBA Finals

MULING nasungkit ng Miami Heat ang inaasam na NBA Championship title makalipas ang anim na taon.

Ito ay matapos na maghari ang Heat sa beat-of-seven final series, 4-1, laban sa Oklahoma City Thunder.

Ayon sa NBA history, taong 2006 nang huling magkampeon ang Heat kung saan pinadapa nito ang Dallas Mavericks.

Sa Game 5 kanina, hindi na pinaporma pa ng Heat ang OKC.

Mula sa first half, malupit na ang ipinakitang performance ni three-time MVP LeBron James na siyang nanguna sa panalo ng team, 121-106.

Nagtala ng triple-double sa rekord si James na may 26 points, 11 rebounds at 13 assists.

Bumanat naman ng 24 points si Cris Bosh habang kumana si Dwayne Wade ay may 20 pts.

Wala namang binatbat ang 32 points, 11 rebounds at 3 assists ni Kevin Durant para magkaroon pa ng tsansa ang Thunder na makamit kampeonato.

Hindi pa natatapos ang laro kanina ay nagyayakapan na ang mga miyembro ng Heat at ilang opisyal nito bilang pagdiriwang sa kanilang pagkakampeon. Kitang-kita na nagyayakapan sina James, Wade at Fil-Am coach Erik Spoelstra.

Ilang minuto ang nalalabi ay hindi na rin pinasok pa sina Durant at Russell Westbrook sa court.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply