Migz at Koko

KAMAKAILAN ay inilabas ni Sen. Koko Pimentel ang kanyang damdamin tungkol sa pagsanib ni Sen. Migz Zubiri sa partido ng Masang Pilipino (PMP) ni Pres. Joseph Estrada. Si Migz ay sigurado nang isa sa mga kandidato na senador ng partido ni Erap.

Sa kabilang banda naman, si Sen. Koko Pimentel ang President ng PDP-Laban at sigurado na isa sa mga re-electionist senator ng partido. Kung tutuusin ay walang pakialam si Sen. Koko sa PMP. Pero dahil ang PMP at PDP-Laban ang magsasama sa kasalukuyang UNA, ay hindi maiaalis kay Koko na muling buhayin ang mapait na karanasan niya noong 2007 senatorial elections nang diumano ay nadaya siya at pumabor ito kay Sen. Migz.

Ayaw makasama sa isang entablado ni Koko si Migz. Para kay Koko, si Migz ay isang buhay na simbolo ng dayaan sa halalan na hindi dapat isama sa UNA. Baka umalis na lang daw si Koko sa koalisyon. Wa-epek daw ang “threat” ni Koko according kay Erap. Salo naman ni Sen. Kiko Pangilinan, welcome si Koko sa Liberal Party.

Ang sabi ng iba, balat sibuyas naman si Koko. Sa pulitika anything goes! “Strange Bed fellows” ika nga. Walang permanenteng kakampi o kaaway sa pulitika. Permanenteng interes lang. Suriin mo ang pulitika at parang rigodon lang. Si Sen. Franklin Drilon ay maka-GMA noon bago siya tumalikod sa lakas. Ganundin si Sen. Kiko Pangilinan. Si Sen. Loren Legarda bago sumama kay Sen. Manny Villar ay nasa NPC muna. Vice President ng dakilang Fernando Poe, Jr. pero bago noon ay nasa LAKAS slate siya. Ganyan lang sa pulitika. Walang personalan.

Pero palagay ko, iba si Koko. Paninindigan ang kanyang pinaiiral dito. Biktima siya ng malawakang dayaan sa halalan. Tiniis niya na ilaban ang kanyang protesta hanggang nag-resign si Sen. Migz. And the rest is history. Pero bakit ba ayaw na lang kalimutan ni Koko ang nakaraan for the sake of UNA? Kung ikaw kaya si Koko ay madali mong makalimutan yon? Ang tingin ko ay pinangangalagaan lang ni Koko ang damdamin ng milyong Filipino na bumoto sa kanya. Nagkataon lang na si Migz ang “nabiyayaan” ng umano’y dayaan. Pero palagay ko ay ‘di magbabago ang panindigan ni Koko.

Sayang naman attorney kung aalis si Koko sa PDP-Laban? Tingin ko ay hindi dahil ang ama ni Koko, ang founder ng PDP, ang hinahangaan kong si dating Senate President Sen. Aquilino “Nene” Pimentel bago ito mag-merge sa LABAN nila ni dating Sen. Lorenzo Tañada at Benigno “Ninoy” Aquino kaya naging PDP-LABAN.

Pero ‘di ba’t mahusay din ang panunungkulan ni Migz bilang senador? Totoo at si Migz ay kakampi ng kalikasan.

Sana ay magsama si Migz at Koko pareho naman na gusto sila ng tao.

Well, as fas as Migz is concerned ok na makasama niya si Koko. Pero huwag rin naman natin isang tabi ang damdamin ni Koko bilang isang may paninindigan at makabagong politiko.

At the end of the day, magsama man o hindi si Koko at Migz sa isang entablado ang mahalaga ay magsama sila para sa tao sa Senado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply