Migz bukas makipag-ayos kay Koko

LABIS na sumama ang loob ni dating Senador Miguel Zubiri kaugnay sa binitiwang akusasyon ni Senador Koko Pimentel.

Ang sama ng loob ay ibinulalas ni Zubiri nang tawagin ito ni Pimentel na mandaraya kaugnay ng sinasabing dayaan noong 2007 midterm elections.

Binigyang diin ni Zubiri na inakala niyang tapos na ang hidwaan sa pagitan nila ni Pimentel nang bumaba siya sa pwesto matapos niyang malaman na nakinabang pala siya sa naganap na dayaan sa halalan.

Sinabi ni Zubiri na wala siyang kinalaman sa naganap na dayaan at pareho lamang  sila ni Pimentel na biktima sa mga nangyari.

Sa kabila nito, bukas pa rin si Zubiri na makipag-ayos kay Pimentel sa mga naging pahayag nito at ayaw nitong makasama sa tiket ng United Nationalist Alliance (UNA) ang dating senador sa darating na 2013 elections.

Binigyang diin ni Zubiri na handa pa rin siyang makipag-ayos kay Pimentel lalo pa’t iilan ilan lamang naman, aniya, sila na maaaring maging kinatawan ng Visayas at Mindanao sa Senado.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply