Migz kay Koko: Desisyon ng UNA, tanggapin

HINIKAYAT ni dating Sen. Juan Miguel Zubiri si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na tanggapin na lamang ang desisyon ng United Nationalist Alliance (UNA) na pormal siyang ilahok sa senatorial line-up ng alyansa sa 2013.

“I am hoping that Senator Koko will see it in his heart to accept the decision of UNA so that we may close this particular chapter of our lives,” ayon kay Zubiri sa pahayag nito ngayong araw.

Kasabay nito, pormal na nagpasalamat si Zubiri sa liderato ng UNA kabilang sina Vice President Jejomar Binay, dating President Joseph Estrada at Senate President Juan Ponce Enrile sa pagpili sa kanya kasya kay Pimentel.

“I would like to thank the leadership of UNA for the trust and confidence they have given me by allowing me to formally join the senatorial line-up of the alliance,” ani Zubiri.

Sinabi pa ni Zubiri na ipagpapatuloy niya na kausapin si Pimentel upang magkaroon ng nagkakaisang paninindigan sa isyu na kinasasangkutan ng Visayas at Mindanao dahil kailangan magkaroon ng dagdag na boses ang rehiyon sa Senado.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply