Migz pinasisibak sa UNA senatorial ticket

NAGBANTA si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na kakalas ito sa United Nationalist Alliance (UNA) nina Vice President Jejomar Binay at dating Pangulong Joseph Estrada kung hindi sisibakin sa senatorial line-up nito si dating Sen. Juan Miguel Zubiri.

Sa kanyang liham kay Estrada, sinabi ni Pimentel na hindi siya maaaring tumakbo sa pagka-senador kasama ang isang mambabatas na sangkot sa malawakang dayaan noong 2007 senatorial elections.

Ayon kay Pimentel, hindi siya maaaring tumakbo sa iisang tiket ni MIgz dahil hindi niya maiiwasang talakayin sa kampanya ang naganap na dayaan noong 2004 at 2007 dahil malaki ang pakinabang ng dating senador sa operasyon noong 2007.

“Two,  I have received death threats because of my filling of those electoral sabotage cases. In short, i have put my life on the line in the fight against electoral fraud. What has Migz done in this regard? Well, he enjoyed tremendously the benefits of a stolen office. He held on to the proceeds of the crime of electoral fraud for four long years and two months,” paliwanag ni Pimentel.

Pangatlo, ayon pa kay Pimentel, inakusahan din siya ni Migz ng electoral fraud noong nagsampa siya ng kaso sa Senate Electoral Tribunal, nang hindi kinagat ng publiko, inakusahan naman niya ang oposisyon noon na siyang naglunsad ng electoral fraud laban sa kanya noong 2007.

“Katunayan, ikaw (Erap) ang pinuno ng oposisyon noong 2007 at si dating Makati Mayor, ngayon VP Binay,” ayon kay Pimentel.

Idinagdag pa ni Pimentel na inilagay din ni Migz ang Lungsod ng Makati bilang pangunahing lugar na kung saan siya dinaya ng oposisyon.  “If you still remember, our campaign manager in 2007 was then San Juan City Mayor JV Ejercito. The real cheater called all of us “cheats.”

“Four, Migz is not a team player. He junks his party-mates which can be magnified in the result in the province of Bukidnon in the 2007 senatorial elections,” dagdag niya.

“Five, there is already a sworn statement that fake election documents and ballots were stored in a compound in Maramag, Bukidnon owned by the Zubiris. In short, the evidence for teh crime of electoral fraud is already at teh doorstep of Migz Zubiri. Does UNA really want to be tainted with this heinous crime? Giit pa ni Pimentel.

Sinabi pa ni Pimentel na lubhang nagugustuhan ko ang isyu ng electoral fraud kaya walang pamamaraan na maiwasan nitong talakayin ang dayaan kaya lalabas na aatakihin ko siya (Migz) sa iisang entabladong aming pinagkakampanyahan?”

Inamin din niya na kailangan niya ang tulong ng UNA upang manalo sa 2013 dahil kakapusan ng pondo, kagamitan at tauhan.

“But if UNA requires me to run with an election cheat before help is extended to me, then i am prepared to lose, for as long as i remain true to what i passionately believe in,” giit niya.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply