Mike A. idiniin sa multi-million behest loans

INAAKUSAHAN ni Senador Serge Osmena III si dating First Gentleman Mike Arroyo na ginamit nito ang kanyang impluwensya para magmanipula sa mga transaksyon sa Development  Bank of the Philippines(DBP), kabilang na ang multi-million peso behest loans kay businessman Roberto “Bobby” Ongpin.

Sa ginawang ika-siyam na hearing ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Senador Osmena na “110 percent” siyang sigurado na sangkot si Atty.Mike sa ibat-ibang  kontrobersyal na bentahan ng shares at mga negosyo sa stock market.

Tinukoy ni Osmena ang ilan sa mga ito ay ang pagbili ng shares ng Philex Mining Corp., Petron-Ashmore Corp., Meralco, MRT, Global 5000, Alphaland shares at iba pa.

Ayon kay Osmena, chairman ng Senate Commitee on Banks and Financial Institution, ginamit ni Arroyo ang poder ng kanyang misis na si Dating Pangulong Gloria Arroyo para mamunini sa mga malalaking deals sa pamahalaan na pinasok ng DBP.

Kumbinsido si Osmena na si dating DBP President Rey David ang ginamit nito para makakopo ng malalaking transaksyon sa pagpapautang ng pondo ng DBP kay Ongpin na kumita rin ng limpak-limpak na salapi.

“Alam ng buong bayan sa dami ng kalokohan ni FG, since 2004, alam na alam ng mga bangkero na “bata” ni Mike Arroyo si Rey David. Nakikita mo ang koneksyon, Mike Arroyo will call him up and tell him what to do, pero ayaw lang tumestigo ang mga tao. Pero nagyayabang minsan si David na ini-speaker phone pa nya na kausap niya minsan si Mike Arroyo,”pahayag pa ng senador.

Kinumpirma ni Osmena na may kausap siyang dalawang matitinding testigo na magpapatunay sa mga deal ni FG Arroyo at dating Pang. Arroyo pero takot umanong lumantad dahil sa pangamba sa kanyang buhay at ng kanyang pamilya.

“May 2 akong very serious witnesses na talagang nakita nila si FG at may iba pang testigo na nakabasa ng mga dokumento hinggil sa DBP deals ng dating Unang Ginoo. Unless you can give full protection to him and his family, it’s very hard to get them to talk,” dagdag pa ni Osmena.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply