Mike Arroyo kinasuhan na sa chopper deal

KINASUHAN na sa Sandiganbayan ng Office of the Ombudsman si dating First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo at ibang respondents kaugnay sa kontrobersiyal na PNP chopper deal.

Matatandaang sa ipinalabas na 98-page report ng binuong panel ng Ombudsman, nakitaan ng probable cause si Arroyo at 36 na iba pa dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ang kaso ay nag-ugat sa sinasabing overpriced na pagbili ng Philippine National Police (PNP) ng mga helicopter.

Bukod kay Arroyo, sabit din sa kaso sina dating Interior Sec. Ronaldo Puno, dating PNP chief Director General Jesus Verzosa, National Police Commission commissioners Avelino Razon Jr., retired PNP Gen. Miguel Coronel at Celia Sanidad-Leones, Napolcom Director Conrado Sumanga Jr. at 28 iba pang PNP officers at personnel.

Noong 2009, bumili ang PNP ng dalawang Robinson R44 Raven 1 helicopters mula sa kompanyang Manila Aerospace Trading Corporation (MAPTRA) sa halagang P104.9 milyon na sinasabi namang pag-aari umano ng mga Arroyo ang nasabing mga chopper.

Maaalala na nagsampa na rin ng hiwalay na plunder case ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group laban kay Arroyo at 17 iba pa kaugnay sa kontrobersiya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply