Mike Arroyo, makapag-a-abroad muli

PINAYAGAN ng Anti-Graft Court ang kahilingan ni dating First Gentleman Mike Arroyo na makabiyahe palabas ng bansa.

Sa inisyu na travel permit ng Sandiganbayan 4th Division, inatasan ang dating Unang Ginoo na maglagak ng P90,000 bilang bond at kailangan din nito na magsumite ng kanyang itinerary.

Kailangan ng personal appearance ni Arroyo sa korte sa loob ng limang araw matapos itong makabalik sa bansa.

Ang travel permit ay epektibo mula Hunyo 16 hanggang 24.

Sa naunang panayam kay Atty. Ferdinand Topacio, sinabi ng abogado ng dating First Gentleman na plano ng kanyang kliyenteng bumiyahe sa Tokyo, Japan at Hong Kong.

Si Arroyo ay nahaharap sa kaso kaugnay sa NBN-ZTE scandal at PNP chopper deal scam.

Maalala na sa ipinalabas na 98-page report nang binuong panel ng Office of the Ombudsman, nakitaan ng probable cause si Arroyo at 36 na iba pa sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa sinasabing over priced na pagbili ng Philippine National Police (PNP) ng mga helicopters.

Pero giit ni Atty. Topacio, hindi umano napatunayan sa naunang imbestigasyon na pag-aari ng dating Unang Ginoo ang naturang mga helicopters.

Sa katunayan aniya, inamin ng yumaong kapatid nito na si dating Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo na kompanyang LTA ang nagmamay-ari ng nasabing mga sasakyang-panghimpapawid.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply