MILF commander todas sa engkuwentro

DEAD on the spot ang isang kilabot na sub-commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at sinasabing lider ng isang kidnap for ransom group matapos ang inilunsad na operasyon ng pulisya sa Isla ng Sacol sa Zamboanga City.

Kinilala ang napatay na si Wahid Pingli, kapatid ng isa pang kilalang kriminal na si Ismael Pingli at native ng Landang Gua, Sacol Island sa nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya kahapon, tumagal ng halos kalahating oras ang engkuwentro sa pagitan ng mga pulis at ng rebeldeng grupo dahil armado rin ang mga ito bago tuluyang umatras matapos na mapatay ang
isa sa kanilang lider.

Ilang beses na ring umatake ang mga awtoridad sa Socal Island na nagsisilbing kuta ng magkapatid na Pingli pero palaging nabibigo ang operasyon.

Ang magkapatid na Pingli umano ay ang tumatayong sub-commander ng 114th Based Command ng MILF na nakabase sa Tipo-Tipo Basilan.

Base sa record ng pulisya, sangkot ang Pingli brothers sa iba’t ibang kriminalidad na nangyayari sa syudad at sa iba pang mga karatig na lugar.

Nahaharap ang mga ito sa patong-patong na kaso gaya ng extortion, harassment, bombing at kidnapping.

Kabilang sa mga naging biktima ng grupo ay ang tatlong guro ng Sacol Island noong taong 2009 at tatlong guro rin sa Naga, at pagdukot sa ilang negosyante na sina Elisio Hablo, Inocente Bautista at iba pa.

Sila rin ang itinuturong suspek sa pagdukot sa Filipino-American na si Gerfa Lunsmann at 14-anyos na anak nito noong nakaraang taon.

Sa ngayon, patuloy ang clearing operation ang mga otoridad sa Sacol Island.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply