Militar, NPA nagkabakbakan sa Mt. Province

NAGSASAGAWA pa rin ng hot pursuit operation ang mga miyembro ng Alpha Company, 54th IB at mga pulis ng Bauko at Bontoc, Mt. Province laban sa kanilang nakasagupang miyembro ng KLG MARCO.

Una rito, nakasagupa ng mga miyembro ng 54th Infantry Batallion ang mahigit 30 miyembro ng mga rebelde sa Barangay Alab, Bontoc habang nagsasagawa ng clearing operation.

Ayon sa report, nagtagal ng halos dalawang oras ang palitan ng putok ng dalawang panig.

Nakuha ng awtoridad sa mismong lugar ng engkwentro ang ilang matataas na kalibre ng baril.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply