Military, PNP officials mananagot sa pagkawala ni Jonas Burgos

DAPAT panagutin ang mga retirado at kasalukuyang opisyal ng militar at pulisya na pinaniniwalaang may kinalaman sa pagkawala ni Jonas Burgos noong Abril ng taong 2007.

Sa kanyang reply-affidavit na isinumite sa Department of Justice, binigyan ni Ginang Editha Burgos ng bigat ang testimonya ng eyewitness na si Jeffrey Cabintoy na nagturo sa respondent na si Major Harry Baliaga na isa sa mga dumukot kay Jonas mula sa isang restoran sa isang mall sa Lungsod Quezon.

Hindi umano dapat manaig ang alibi na tinukoy ni Baliaga sa kanyang counter-affidavit na nasa bus siya pauwi sa kanilang probinsya sa Mountain Province nang maganap ang pagdukot kay Jonas.

Naniniwala rin si Ginang Burgos na nagsinungaling ang iba pang respondent sa kaso na sina retired General Hermogenes Esperon Jr., Lt. Gen. Romeo Tolentino at Retired Director General Avelino Razon nang sabihin nilang walang kinalaman ang militar sa pagkawala ni Jonas.

Ang tatlong heneral ay inireklamo ni Gng. Burgos ng obstruction of justice dahil nagtulong-tulong umano ang mga ito para mapagtakpan ang mga miyembro ng militar na may kinalaman sa krimen.

Kapwa naman respondent ni Baliaga para sa reklamong arbitrary detention sina Colonel Melquiades Feliciano at Col. Eduardo Ano.

Binigyan naman ng piskalya ang kampo ng mga respondent na magsumite ng rejoinder at saka naman idedeklarang submitted na for resolution ang reklamo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply