Minahan sinalakay ng NPA

UMATAKE ang mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Philco Mining site at sinunog ang dalawang trak at iba pang kagamitan sa minahan sa Barangay Camanlangan, New Bataan, Compostela Valley.

Nabatid na bandang alas-8:00 kagabi (Hunyo 9) ay sinunog ng mga rebelde ang dalawang elf truck, driller at iba pang kagamitan ng minahan.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang buong detalye sa nasabing kaganapan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply