Mineral production bumagsak ng 38% – MGB

HINILING ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon J. P. Paje sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) na nasa ilalim ng Office of the President na tumulong sa pagsawata sa malawakang smuggling o pagpupuslit ng ginto sa ating bansa.

Inihayag ito ng kalihim matapos na iulat ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na bumagsak ng 38% ang kabuuang Philippine metallic mineral production value sa unang tatlong buwan ng 2012.

Mula kasi sa PhP31.40 bilyong halaga ng produksyon sa parehong panahon noong 2011, naging PhP19.61 bilyon na lamanag ito o mas mababa ng PhP11.79 bilyon.

Sinabi pa ni Paje na ang mabagal na produksyon ng metallic minerals sa first quarter ng taon ay dulot ng pagbaba rin ng 92% ng mga binibiling ginto ng Bangko Sentral Ng Pilipinas (BSP) mula sa small-scale miners at traders.

Mula kasi sa 7,493 kilo ng nabibiling ginto na nagkakahalaga ng PhP14.11 bilyon sa parehong mga buwan noong nakaraang taon, bumaba sa 618 kilograms na may halagang PhP1.35 bilyon ang biniling ginto ng BSP ngayong 2012.

Ipinaliwanag ni Paje na nagsimula ang pagbagsak sa bentahan ng ginto noong ikalawang semestre ng 2011 nang magsimulang magpataw ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng 2% excise tax at 10% creditable withholding tax (CWT) sa mga mabebentang ginto ng small-scale miners at traders alinsunod na rin sa nakasaad sa Revenue Regulations No. 7-2008 na inisyu noong Marso 25, 2008.

Iginiit din ni Paje na dahil sa patuloy na mataas na presyo ng ginto at dumaraming lugar na inilalaan para sa small-scale mining areas, nangangahulugan lamang na kapag bumaba ang binibiling ginto ng BSP ay mapupunta ang ating mga ginto sa blackmarket at smuggling activities.

Bilang resulta, bumagsak ang bilang at halaga ng mga gintong naipo-produce sa bansa mula sa 65% ay naging 57% sa volume at value, ayon sa pagkakasunod, naging 4,056 kilo na nagkakahalaga ng PhP9.33 bilyon ngayong taon mula sa 11,427 kilo na may halagang PhP21.63 bilyon ngayong taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply