Minero nahulog sa hukay, patay

DEAD on the spot ang isang minero matapos mahulog sa hukay sa minahan na may lalim na 45 metro sa Barangay Balaas, lungsod ng Argao, Cebu.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktima na si Leocadio Sandoval, 37, residente ng lungsod ng Badian at isang mainline maintenance sa Altatierra Mines and Development Corp. na pag-aari ni Provincial Board Member Wilfredo Camenero.

Sa imbestigasyon na isinagawa ng Argao Police Station, nagpag-alaman na kasama ng biktima ang kanyang dalawang kasamahan sa trabaho na sina si Jimmy Duerme, 30, at Cerilo Maripoque na kapwa mga kapitbahay ni Sandoval.

Ayon kay PO2 Benjamin Herasaga, sakay sa isang cart si Sandoval nang aksidente itong mahulog at mabagok ang ulo.

Sinasabing nabiyak ang bunbonan ni Sandoval.

Nagbigay na ng tulong si Camenero sa pamilya ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply