Minero nalunod sa binahang tunnel, dedo

PATAY ang isang minero nang malunod makaraang pasukin ng tubig ang pinagtatrabahuhang tunnel sa Purok 8, Barangay Bayugan 3, Rosario, Agusan del Sur.

Kinilala ang minero na si Ernie Berezo, residente ng Purok 6 sa nasabing barangay.

Batay sa inisyal na ulat, isang kalapit na abandonang tunnel ang bumigay na naging dahilan kung bakit pinasok ng tubig ang loob ng Lademora Tunnel na pag-aari ng isang retired Col. Carlos Lademora.

Dito na nalunod ang biktima at namatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply