Misis nahulog sa police mobile dedo

CAVITE – Namatay matapos mabagok ang ulo sa sementadong kalsada ng Governor’s Drive ng Brgy. Sampaloc 4 Dasmarinas City ang isang 46-anyos na misis, matapos itong aksidenteng mahulog sa sinasakyang mobile ng police na patungo sana sa isang ospital, kagabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ma. Victoria Gan, ng residente ng Blk 9-Lot 6, Brgy. Kua GMA, Cavite.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Jesus Bae, may hawak ng kaso, ganap na alas 7:30 ng gabi ng maganap ang insidente habang sakay ang biktima ng mobile ng GMA Police Station (SJG-315) na minamaneho ni PO1 Jervie San Pascual kasama sina Inspector Jean Alagos; PO2 Jonah Javelosa at DSWD personel Delia Bautista at patungo sana ang mga ito sa isang ospital sa Dasmariñas para sa gagawing follow-up hinggil sa kamag-anak ng nahulog na biktima na nasa pagamutan.

Nakaupo umano ang biktima sa dulong bahagi ng nasabing mobile kasama ang iba pang PNP personnel nang aksidente itong mahulog sa kalsada.

Mabilis naman itong naitakbo sa pinakamalapit na hospital subalit namatay rin ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply