Misis natusta sa nagliliyab na bentilador

PATAY ang isang misis matapos makuryente sa nag-overheat na bentilador sa loob ng kanilang bahay sa Sitio 6 Catmon Malabon City, kagabi.

Dead on arrival sa Pagamutan Bayan ng Malabon si Helen Entes, 39, ng nasabing lugar nang matusta ang katawan matapos makuryente sa nagliliyab nilang bentilador.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid na galing sa pag-iigib ng tubig ang biktima at pagpasok sa bahay ay nakitang nagliliyab ang kanilang bentilador.

Dali-daling inalis ng biktima ang pagkakasaksak ng nasabing gamit ngunit dahil basa ang kamay ay agad itong nangisay hanggang sa mamatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply