Misis ninakawan na pinatay pa sa Kyusi

PINATAY sa saksak ang isang ginang ng umano’y kasambahay nito matapos pagnakawan sa Quezon Cty kahapon ng hapon (Hunyo 17).

Kinilala ang biktima na si Carlota Amio, 34, ng Regalado Ave.Corner Commonwealth Brgy. Greater Lagro, ng lungsod.

Ayon sa ulat nina PO2 Rhic Pittong at PO1 Romeo Niño ng Quezon City Police District, Criminal Investigation and Detection Unit, (QCPD-CIDU) naganap ang insidente dakong 5:20 ng hapon kahapon sa loob ng bahay ng biktima.

Nabatid sa pahayag nina Susan Passion at Christine Hamilo, kapitbahay ng biktima, huli nilang nakita ang biktima na kasama pa ang kanyang anak na si Justine Cedric, 5-anyos at kasambahay na nakilala sa pangalang Bingot.

Hindi nagtagal ay nakarinig na lamang sila na tila nagkakagulo sa loob ng bahay ng biktima bago nila napansin ang isang lalaki na lumabas doon.

Sunod naman ay dumating ang isang Allan Gonzales, na umano’y kasambahay din ng biktima at kumakatok sa nakasaradong pinto ng bahay ng biktima.

Dahil sa walang nagbubukas ay puwersahan umanong binuksan ni Allan ang pinto at nang hindi makita ang kanyang amo ay inakyat nito ang ikalawang palapag ng bahay at pilit ding binuksan ang nakasardong pinto doon.

Nagimbal si Gonzales nang makitang nakabulagta ang amo na naliligo sa sariling dugo.

Agad ipinagbigay-alam ni Gonzales sa mga awtoridad ang nakita.

Nabatid na nawawala ang isang laptop ng biktima na hiihinalang tinangay ng salarin.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply