Misis, sanggol pinatay ni mister bago nag-suicide

HINDI nagpahuli nang buhay ang naghuramentadong mister na pumatay sa kanyang asawa at isang sanggol na ikinasugat din ng dalawang iba pa nang magpakamatay ito sa lalawigan ng Palawan.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen bandang alas-8:00 ng gabi sa bayan ng Bataraza.

Kinilala ang nagpatiwakal na suspek na si Rolly Montalbo, 36.

Sinasabing nagwala ang suspek matapos nilang magtalo ng kanyang misis sa kanilang tahanan sa Barangay Bono-Bono.

Sa gitna ng pagtatalo ay kinuha ni Montalbo ang kanyang baril at walang habas na nagpaputok hanggang tamaan ang kanyang misis at ang isang taong gulang na kaanak na kinilalang si Arnold Bangin.

Malubha ring nasugatan ang nanay ng suspek na si  Lolita Bangin habang isang kapitbahay naman ang tinmaan ng bala sa paa.

Matapos ito ay itinutok ng suspek sa sarili ang baril at ipinutok.

Kasunod nito ay binaril naman ng suspek ang kanyang sarili.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply