Mister binurdahan ng binatilyo, kritikal

MALUBHA ang isang mister matapos itong pagsasaksakin ng nairitang binatilyo nang magkrus ang kanilang landas sa Tangos, Navotas kagabi (Hunyo 13).

Nakaratay at ginagamot sa Tondo General Hospital sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan si Mark Jayson y, Ocampo, 22, mangingisda ng AR Cruz St., Tangos ng nasabing lungsod.

Inatasan naman ni Supt. Florendo Quebuyen, ang kanyang mga tauhan para sa agarang ikadarakip sa tumakas na suspek na si Peter Trajano y Lopez. 17, ng bagong Kalsada Wawa, ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:209 ng gabi ng maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Nabatid mag-isang naglalakad sa nasabing lugar ang una ng biglang sumulpot sa madilim na lugar ang huli at walang sabi-sabing inundayan ng saksak ang biktima at saka mabilis na  tumakas.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga owtoridad at inalaam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply