Mister ginutay ang sarili sa dinamita

PALAWAN- Nagkagutay-gutay ang isang lalaki matapos nitong sindihan at yakapin ang isang bungkos na dinamita.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, aburido ang biktimang si Rex Bidas Largado, 27-anyos, residente ng Barangay Pali, Taytay, Palawan matapos siyang iwan ng kanyang misis.

Sa impormasyong ibinahagi ni P02 Alexander Minbanawang, pasado alas-9:00 kamakalawa ng gabi nang isagawa ng biktima ang malagim na kamatayan.

Nabatid na labis na dinamdam ni Largado ang pag-alis ng ka-live-in na sinasabing sumama sa ibang lalaki.

Ang kahirapan umano ni Largado ang naging dahilan upang magbago ng pakikitungo sa kanya ang kinakasama hanggang sa lisanin nito ang kanilang tirahan at nakipagtanan sa ibang lalaki.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply