Mister gustong ibenta ang bahay, misis kinatay

AWAY sa mga naipundar na ari-arian ang itinuturong motibo kaya pinatay ng isang lalaki ang kanyang misis sa Zamboanga City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, patay na ng matagpuan ang biktimang kinilalang si Dolina Cabanlit, 50 anyos na ginang, sa loob mismo ng kanilang kuwarto sa Barangay San Roque, lungsod ng
Zamboanga.

Sa pagsisiyasat, 17 saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang naging sanhi ng daglian nitong kamatayan.

Itinuturong suspek sa krimen ang kanyang mister na si Reynaldo Cabanlit, 48, na umanoy nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo sa kanyang asawa ilang oras matapos matagpuang patay ang biktima.

Sa isinagawang imbestigasyon at mga nakalap na impormasyon ng Zamboanga PNP,  palagi umanong inaaway ng suspek ang biktima dahil gusto umano nitong ibenta ang kanilang bahay at hatiin na ang kanilang mga ari-arian at maghiwalay na sila.

Paniwala ngayon ng mga otoridad na ito ang rason ng pag-aaway ng mag-asawa na nagresulta sa krimen.

Tahasang namang itinanggi ng suspek ang bintang subalit positibo siyang itinuro ng mga residente, maliban pa sa ilang mga ebidensya na nakuha sa kanya na makapagpapatunay na siya ang pumatay sa kanyang asawa.

Nakakulong na ngayon ang suspek habang inihahanda ang pagsampa ng kaso sa korte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply