Mister sinunog ang sariling bahay dahil sa selos

KASONG arson ang haharapin ng isang matapos nitong sunugin ang sariling bahay dahil sa matinding selos, sa Cagayan kaninang umaga (Hunyo 3).

Nasa kustodiya na ng Buguey PNP ang suspect na si Aries Cabe, 51-anyos, residente ng Barangay Sta. Maria, Buguey sa probinsya ng Cagayan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 8 ng umaga sa mismong bahay ng mag-asawang Cabe.

Bago ito, nagtalo ang mag-asawa dahil bukod sa kanya ay may nababalitaan pa itong may ibang karelasyon ang kanyang misis na si Vangie.

Natigil na lamang ang bangayan ng mag-asawa nang masugatan sa kutsilyong hawak ng suspect ang kanilang anak.

Pero makalipas lamang ang ilang sandal, bumalik ang suspect at  sinabuyan ng krudo ang kanilang bahay at saka sinindihan.

Nagtulong-tulong naman ang mga kapitbahay na apulahin ang apoy kaya ilang bahagi lamang ng bahay ang nasunog.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply