Mister umaming may kerida, nag-suicide sa harap ni misis

SABOG ang bungo ng isang barangay tanod matapos itong magbaril sa ulo sa harap mismo ng kanyang asawa matapos na amining totoong may ka-relasyon siyang iba kaninang madaling raw sa lalawigan ng Cebu.

Base sa report ng Talisay PNP naganap ang pagpapakamatay ni William Villanueva, 39-anyos sa loob mismo ng kanilang bahay sa Sitio Maharlika, Barangay Pook, lungsod ng Talisay, Cebu.

Sa impormasyong ibinahagi ni PO1 Ramil Campo, desk officer ng Talisay City Police Station, nakipag-inuman pa sa kanyang mga kapitbahay ang biktima bago ang pangyayari.

Nang umuwi ito sa kanilang pamamahay ay nangumpisal ito sa kanyang misis na si Edna Villanueva na nagkarelasyon daw sila sa isang babae na may asawa na rin.

Sinasabing nabulgar din ang illicit affair ng asawa ng karelasyon ng biktima at nakatatanggap na ito ng pagbabanta mula sa mister ng kanyang kalaguyo.

Ito umano ang nagtulak kay William upang wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo gamit ang .38 kalibreng baril.

Mula sa kanang bahagi ng kanyang ulo ay lumusot ang bala sa kaliwang bahagi nito na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Narekober mula sa crime scene ang baril na ginamit ng biktima na may apat pang live bullets.

Tinangka pang isugod sa pagamutan ang lalaki subalit ideneklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply