Miyembro ng BCJ todas sa sigue-sigue

DEDBOL ang isang 18 anyos na junkshop helper at miyembro ng Batang City Jail (BCJ) nang pagsasaksakin ng mortal nitong kaaway na miyembro ng Sigue-sigue gang nang magkrus ang kanilang landas kaninang madaling araw sa San Andres Bukid, Maynila .

Hindi na naisalbapa ng mga doctor sa Sta Ana Hospital ang biktimang si Clariben Paglinawan ng 2525 Onyx St., Sta Ana, Maynila sanhi ng saksak sa dibdib.

Nakatakas naman ang mga suspek na ngayoy pinaghahanap ng awtoridad na nakilala lamang sa  alias Jay-R Saltik, ng Oro B. St., San Andres Bukid, Maynila na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ni SPO2 Milbert Balinggan ng Manila Police District (MPD)-homicde section, dakong 3:20 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa harapan ng Jomas Trading sa 2525 Oro Bo. St., San Andres Bukid, Maynila.

Nabatid na nagkukuwentuhan habang nakaupo sa center island  sa harapan ng nasabing junkshop ang biktima at isang di nakilalang kaibigan nito nang lapitan sila ng suspek at walang sabi-sabing piangsasaksak  ang biktima.

Nang maisagawa ang pakay ng suspek ay kaswal lamang itong naglakad palayo sa direksiyon ng Pasong Tamo St., habang ang biktima ay isinugod sa ospital.

Ayon sa pulisya, matagal na umanong may alitan ang biktima at suspek at nang magkrus ang kanilang landas ay hindi na nag-atubili pa ang suspek na banatan  ang biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply