Mommy D kay Bradley: ‘Wag kang hambog

BINIRA ni Mommy Dionisia ang mga pagyayabang ni Timothy Bradley, ang makakasagupa bukas (Hunyo 10, petsa sa Pinas) ng kanyang anak na si People’s Champ Manny Pacquiao.

Ikinairita ng tinaguriang Pacmom ang mga banat ni Bradley partikular na ang tungkol sa pag-aanunsyo nito ng rematch nila ng Pambansang Kamao at pagpapagawa nito ng ticket.

Ani Mommy D, hindi dapat magyabang si Bradley dahil hindi pa tapos ang laban nito sa kanyang anak.

Nananalangin naman ngayon si Mommy D na sana ay manalo ang kanyang anak.

Sa katunayan, pansamantala ring inihinto ng Pacmom ang kanyang ballroom dancing para mag-novena na alay niya para sa anak.

Pinayuhan rin ng {acmom si Manny na huwag smolin si Bradley at mas mabuti na ring mag-ingat sa kalaban.

Bukas na ang Pacquiao-Bradley fight sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply