Mommy Dionisia manonood na nang live sa laban ni Manny

PRESENT na ang ina ng pambansang kamao na si Mommy Dionisia sa susunod na laban ni Manny Pacquiao.

Ayon sa boxing solon, pinapayagan na niya ang kanyang nanay na makapanood nang live sakaling matuloy ang rematch kay Bradley.

Pero katulad ng ipinarating ni Cong. Pacquiao sa karamihan, nakiusap siya sa fans sa GenSan at Sarangani Province na tanggapin ang kanyang pagkatalo kay Timothy Bradley nitong nakaraang Hunyo 10.

Ito ay matapos sabihin ni Pacman na buong puso niyang tinanggap ang split decision ng judges pabor sa American undefeated boxer.

Kinumpirma naman ni Pacman na mayroong rematch na mangyayari sa Nobyembre kay Bradley at puwede rin ang laban alin man kina Juan Manuel Marquez o Floyd Mayweather Jr.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply