Mon sa mga mamamahayag: Ipagtanggol ang mga naaapi

NANAWAGAN ang beteranong brodkaster na si Ramon Tulfo sa mga kapwa mamamahayag na huwag lamang basta gawin ang trabaho sa pag-uulat ngunit matutong ipagtanggol ang karapatan ng mga naaapi na siya umanong ugat ng naganap na rambulan sa pagitan niya at kampo ng showbiz couple na sina Claudine at Raymart Santiago sa Ninoy Aquino International Airport
(NAIA) Terminal 3 kamakailan.

Sa pagsasalita ni Mon Tulfo sa “kick-off ceremony” ng ika-60 anibersaryo ng National Press Club sa Century Hotel sa Pasay City kagabi, sinabi ni Tulfo na hindi niya matiis ang pagsigaw at pagmumura umano ng isang babae sa mga staff ng Cebu Pacific kaya niya naisip na kunan ng litrato na naging sanhi ng pambubugbog umano sa kanya.

Kaharap sina Presidential sister Ballsy Aquino-Cruz, Senador Antonio Trillanes, PNP Chief, Director General Nicanor Bartolome at ang daan-daang kapwa mamamahayag, ikinuwento ni Tulfo ang kapalpakan umano ng Cebu Pacific na dahil umano sa “kakuriputan” ng may-ari nito ay hindi ipinagagamit ang “air bridge.”

Dito umano nag-umpisa ang kanyang ngitngit kung saan kinunan pa niya ang hirap na hirap na pagbaba ng isang matandang pasahero sa bakal na hagdan kahit na P8,000 lamang ang matitipid dito ng airline company.

Nang dumating siya sa loob ng NAIA Terminal 3, isang babae ang nakita niyang nagrereklamo sa desk ng Cebu Pacific na inayunan umano niya sa umpisa ngunit nagdesisyon na hindi ito tama nang mapansin na nagsisisigaw at pinagmumura na ang mga staff.

“May nagsisigaw na babae, grabe ang sigaw at pagmmura n’ya. Patatalsikin daw n’ya ang dalawang ground attendants. Mataba yung babae, parang matrona. Maganda lang ang mukha,” ani Tulfo na tinutukoy ang babae na hindi umano niya nakilala noong una at nalaman na lamang na ang aktres na si Claudine Barreto.

Dito umano niya tinangkaang kunan ng “video” sa kanyang bagong digital cam ang eksena ngunit dahil sa pagiging ignorante niya ay dalawang litrato ang kanyang nakuha.

Sa punotng ito, isang lalaki ang lumapit umano sa kanya at tinangkang kunin ang kanyang digital cam kaya niya itinulak hanggang sa mauwi na sa panununtok sa kanya.

Sa ikalawang eksena, sinabi ni Tulfo na nagpasya na siyang manlaban nang sampalin siya sa mukha ng isa sa mga lalaki na umano’y pang-iinsulto na sa kanyang pagkalalaki. Inakala umano niya na magagamit niya ang nalalaman sa “martial arts” ngunit nabigo siya dahil sa marami pala umano siyang kalaban.

Binanatan din ni Tulfo ang mga security guard ng NAIA na sa halip awatin ang pangyayari ay siya pa ang hinawakan sa mga kamay kaya labis na naagrabyado.

Sinabi pa nito na hindi pa nagtapos ang pagmumura umano sa kanya ni Claudine na humantong pa sa tanggapan ng Airport Police at idinamay pa ang iba niyang mga kapatid na mga Tulfo na pawang mga pakialamero umano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply