Most wanted nadakip

NATAPOS na ang maliligayang araw ng umano’y lider ng notorious crime group sa Maypajo, makaraang madakip ng mga operatiba ng District Special Operation Unit-Northern Police District sa isang operasyon, kahapon sa Caloocan City.

Ang suspek na may patong-patong na kasong kriminal ay kinilalang si Jimson Castro, 22, binata, jobless at nakatira sa Block 33, Lot 6, Talilong St., Barangay 31, Maypajo ng nasabing lungsod.

Pinangunahan ni Supt. Reydante E. Ariza, hepe ng DSOU, ang operasyon sa bisa ng tatlong warrant of arrest na inilabas ni Judge Lorenza R. Burdios-Paculdo ng RTC-Br. 126 NCRJ, Caloocan City sa mga kasong murder at dalawang attempted murder.

Nagtago ang ilang taon ang grupo ng suspek na “Original Traidor Clan” matapos na barilin at mapatay ang isang Samuel Pequit Villar noong August 8, 2010.

Ayon kay PO3 Roy Anthony Oropesa ng DSOU, nakatanggap ng report ang kanilang tanggapan na nakitang pagala-gala ang suspek sa Maypajo at tila may panibagong bibiktimahin.

Tumagal ng isang linggo ang pagtugaygay ng DSOU bago nadakip ang suspek dakong alas-2:30 kahapon ng hapon sa Maypajo, Caloocan City.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply