Mother ni Bea kinuhang legal adviser si Atty. Topacio

NALOKA ang mother ni Bea Binene na si Mommy Carina sa issue na lumabas sa anak niyang si Bea nang makipagkita sa sikat na lawyer ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na si Atty. Ferdie Topacio. Nailabas sa isang tabloid na nagdi-date na raw sina Bea at Atty. Topacio.

Ikinabigla ni Mommy Carina ang issue. Kasi 14 years old lang si Bea, bukod pa sa pamilyado ang lalaking iniuugnay sa kanya. Simpleng business meetings lang daw ‘yun na binigyan agad ng kulay.

Nagkaroon kasi ng meetings sina Mommy Carina at Atty. Topacio recently dahil kinuha ni Bea si Atty. Topacio bilang legal adviser. Kailangan ni Bea ng lawyer para mag-asikaso ng papeles para sa ilang kontrata na pipirmahan hinggil sa mga dealings ng foundation ni Bea, ang Bea Cares.

Bukod pa rito ang ilang papers na may kina- laman sa mga kontrata ni Bea na pipirmahan bilang endorsers at iba pa.

Nung unang meeting, naganap ito sa Heat restaurant sa EDSA Shangri-La Hotel. Nakipag-meeting muna sina Bea at Mommy Carina sa mga bosses ng Artist Center ng GMA7. Pagkatapos, dumating naman si Atty. Topacio para pag-usapan ang ilang legal matters.

Sa ikalawang meeting nina Bea at Atty. Topacio, ibinigay na ang mga papeles na ipinagawa Mommy Carina. Naganap din ito sa isang restaurant sa Shangri-La Plaza.

Ani Mommy Carina: “Napakabait ni Atty. Topacio. Ayaw magpabayad sa ginawa niyang dokumento kaya nagregalo na lang ako ng pabango (Ralp Lauren). Tapos, in return, nagbigay naman ng Lacoste t-shirt si Atty. Topacio sa anak ko.”

000

SA PRESSCON ng My Daddy Dearest, panay ang kuwento ng lead actor na si Ogie Alcasid sa pelikula niyang Boy Pick-Up na simulang ipinalabas noong Miyerkules. Kasi, unexpected ang reaction ng mga nanood ng premiere night.

Ayon kay Ogie, nakapaligid sa kanya nang gabing iyon ang kanyang asawang si Regine Velasquez, Solenn Huessaff at iba pang cast members. Iba-iba ang reaction nila sa mga eksenang nakatatawa.

Pero lahat sila’y humahagikgik sa katatawa.

Nasabi rin ni Ogie na di niya akalain na matatawa rin nang husto ang manager niyang si Leo Dominguez.  Napakaseryosong tao kasi ni Leo. Nang napanood ang Boy Pick Up ay naiba na ang lahat. Natawa rin ito nang husto.

Sa reaction ng tao sa Boy Pick Up ni Ogie, tiyak madadalas na ngayong gumawa ng movie si Ogie.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply