Motorcycle sumalpok sa truck; driver patay, rider agaw-buhay

LA UNION – Isang motorcycle driver ang namatay habang nasa malubhang kalagayan naman ang angkas nito matapos itong salpukin ng isang six-wheeler truck sa Barangay Udyao, Rosario, La Union kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang biktima na kinilalang si Darwin Garcia, 24, samantalang ang kasamahan nitong si Paran Quino, 41, parehong residente ng Barangay Esperanza, Sison, Pangasinan ay agaw buhay sa pinakamalapit na ospital.

Sa inisyal na imbestigayon na isinagawa ng Rosario PNP, sinalpok ng mga biktima ang nakaparadang truck na minamaneho ni Romeo Okami, 41, sa kahabaan ng Rosario, La Union.

Ayon sa pulis, sa lakas ng impact ng motorsiklo, tumama ang ulo ng driver na agad nitong ikinamatay at tumilapon naman ang sakay nito na agad na isinugod sa pagamutan.

Napagalaman din na ang mga biktima ay mga lasing at sila ay papa-uwi ng maganap ang insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply