Motor rider sabog ang utak sa trak

HINDI na halos makilala at nagkalat ang utak ng isang motorcycle rider matapos na mabangga at masagasaan pa ng isang 24-wheeler truck kaninang umaga sa Pasig City.

Kinilala ni Chief Insp. Oscar Boyles, hepe ng  Pasig City  Police Traffic Division,  ang biktima sa pamamagitan ng nakuhang driver’s license sa  kanyang bulsa na si Roy Liga, nasa hustong gulang, residente ng Vistancia, Dolores, San Fernando, Pampanga.

Kusang loob namang sumuko ang driver ng trak na si Fenny Balanbang, 49, may-asawa, empleyado ng Midland Steel Corp. at residente ng Saint Anthony Subd., Julio St., San Juan, Cainta, Rizal.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga sa kahabaan ng C. Raymundo Ave., corner Mercedes Ave., Brgy. San Miguel, Pasig City.

Nabatid na sakay ng kanyang SYM motorcycle na may plakang PQ-7343 ang biktima nang mabangga at masagasaan ng minamanehong trak ng suspek.

Ayon sa suspek, wala siyang napansing motorsiklo sa kanyang daraanan at ang kanyang pahinante lang ang nagsabi na may tumalsik na motorsiklo kayat agad siyang huminto at dito nakita niya ang katawan ng biktima na nakaipit pa sa ilalim ng mga gulong ng trak.

Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply