Motor vs tricycle: Parak patay, 5 sugatan

NAMATAY ang isang parak habang lima ang nasugatan makaraang magbanggaan ang  motorsiklo at traysikel sa kahabaan ng national highway sa Barangay Pagdalagan Norte, San Fernando, La Union kagabi (Hunyo 18).

Nasawi habang ginagamot sa Ilocos Training and Regional Medical Center ang nagmamaneho ng motorsiklo na si PO1 Prudence Trinidad, ng La Union Police Provincial Office, residente ng nasabing barangay, 33.

Ayon sa inisyal na ulat, tinatahak ni Trinidad at ng angkas nito na si Reynato Estrada ang kalsada patungo sa timog na direksyon nang makabangga ang kasalubong na traysikel na minamaneho ng isang George Huliganga, Jr., 42, residente ng Brgy. Dalipaoen, Naguillan, naturang lalawigan, na may tatlong pasahero.

Nagtamo ng malulubhang sugat sa kanilang katawan sina Estrada Huliganga at tatlong pasahero ng huli na kasalukuyang nakaratay sa iba’t ibang pagamutan sa lungsod.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon kung sino ang dapat managot sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply