Motorsiklo sumalpok sa batuhan; 2 dedo, 1 kritikal

DALAWANG kalalakihan ang namatay habang isa pa ang kritikal matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa batuhan sa lalawigan ng Quezon, sa ulat ng pulisya ngayon.

Dead on the spot sina John Nico Cances, driver ng motorsiklo at ang angkas nitong si Charlie Mendoza.

Patuloy namang ginagamot ang isa pang angkas na si John Christian Castillo, na nasa kritikal na kondisyon.

Ayon sa pulisya, sinasabing galing ng San Juan, Batangas ang mga biktima na pawang mga residente ng Barangay Manggalang-Kiling.

Habang tinatahak ang national highway ay nawalan ng kotrol ang driver ng motorsiklo at sumalpok ito sa batuhang bahagi ng Barangay Manggalang-Bantilan sa Sariaya-Quezon.
.
Patuloy ang follow up investigation sa nasabing sakuna.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply