Motorsiklo, trak nagsalpukan; 1 sugatan

MALUBHANG nasugatan ang isang personnel ng Philippine National Police matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang Isuzu Elf truck sa bayan ng Bugallon lalawigan ng Pangasinan.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, sugatan ang biktimang s Joseph Molina, nasa hustong gulang binata at residente ng Brgy. Poblacion Urbiztondo.

Hawak naman ngayon ng mga awtoridad ang nakabanggaan nito na nakilalang si Emilio Cuaresma Jr, 47-anyos may-asawa at residente ng Sitio Urno Brgy. Poblacion sa bayan ng Bugallon.

Ayon sa mga awtoridad, naganap ang aksidente sa National Highway ng Umanday Bugallon habang binabagtas ng trak ang lugar nang mabangga nito ang motorsiklong minamaneho ng biktima na umano’y nag-U-turn.

Bunsod nito, tumilapon ang biktima sa sementadong kalsada at nagtamo ng sugat at bali sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Isinugod naman agad ang biktima sa pagamutan upang lapatan ng lunas.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply