Motorsiklo vs trak sa Zambo: 3 kritikal

NASA kritikal na kalagayan ngayon ang tatlo katao makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na Isuzu Truck sa may highway ng Barangay Sangali sa Zamboanga City.

Kinilala ni S/Insp. Noel Lozano, hepe ng Sangali Police Station, ang tatlong biktima na sina Jonhy Alonso, 27, drayber ng motorsiklo; at ang dalawang back-rider na sina Flor Ibañez, 31; at Esperanza Ramirez, 41, mga residente ng Barangay Mercedes sa nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na unang umiwas ang nasabing trak sa humaharurot na sasakyan na malapit na nitong mabangga.

Hindi naman napansin ng drayber ng trak na si Henry Sahirin, 50, ang kasunod na motorsiklo na sinasakayan ng tatlong biktima.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon pa ng ilang metro ang mga biktima na agad namang naitakbo sa Zamboanga City Medical Center.

Nakakulong naman sa Sangali Police Station si Sahirin at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply