MRT, LRT, may libreng sakay bukas, Araw ng Kalayaan

KAUGNAY sa selebrasyon ng ika-114 kalayaan ng Pilipinas, magbibigay ng libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) bukas, Hunyo 12.

Ang libreng sakay ay ipatutupad sa publiko bilang bahagi ng ika-114 na taong pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Ayon kay LRTA/MRT3 spokesman Atty. Hernando Cabrera, magsisimula ang libreng sakay sa MRT at LRT alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at masusundan pa mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply