MRT, LRT may libreng sakay ngayong Araw ng Kalayaan

BILANG pakikiisa sa selebrasyon ng ika-114 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay naghandog ng libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) ngayon araw.

Ayon kay LRT Authority (LRTA) spokesman Hernando Cabrera, libre ang sakay sa LRT-1 at 2 gayundin sa MRT-3 simula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Ang libreng sakay ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga nais na makadalo sa aktibidad kaugnay ng Independence Day sa Rizal Park sa Maynila at sa flag raising ceremony sa Monumento at iba pang lugar sa Metro Maynila.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply