Mukhang pera at laylay raw ang boobs ni Rufa Mae, eh ikaw kaya Manang Cristy Fermin kumusta ang bobelya mo?

MAPA-TV at radyo ay ginagawang pulutan ngayon ni Manang Cristy Fermin si Rufa Mae Quinto.

Maliban sa pinipintasan nito ang boobs ng sexy comedienne na super laylay na raw, pinalalabas pa ng oslang orocanang TV host na mukhang pera ang seksing komedyana dahil nanghihingi raw ito ng 1.5 milyon na TF kada buwan sa daily hosting niya sa Wiltime Big Time ni Koyang Willie Revillame.

Hoy, golden girl! (Cristy) kung ikaw ay hindi dapat binabayaran ng milyones ng TV5, si Rufa Mae sa status ng kanyang career na pawang blockbuster ang mga pelikulang ginawa at topraters rin ang mga TV show ay worth na humingi ng milyon na suweldo.

Sabay n’yong tingnan ni Ms. Booba ang inyong mga face at body sa mirror. Ikaw, pang horror samantang siya, bombshell.

Saka sino ba sa inyong dalawa ang mukhang pera? Kaya mo nga nilalait si Rufa Mae ay para hindi ka maagawan ng eksena kay Koyang Willie. At kung laylay ang boobs ng nasabing komedyanang TV host? Ano naman kaya ang istura ng bobelya mo, ha Manang Cristy? Saka, nagtagumpay ka na naman di ba? Ngayong wala na si P-Chi sa Wiltime, kawalan ‘yun ni Willie at hindi ang pinagkaisahan ninyong sexy comedienne. Amuyong at plastikada gyud!

***

Performance ni Vina Morales and co-stars sa Rock of Ages hinahangaan ng audience

WALANG itulak-kabigin ang mga nakapanood na ng five-time ng nominado sa Tony Award na Broadway musical na Rock of Ages na nagsimula noong June 15 at magtatapos sa July 8 at napanonood sa Carlos P. Romulo Theater sa RCBC Plaza sa Makati. Papano, lahat ng performers rito led by International Rock Sensation Mig Ayesa as Stacee Jaxx, with popular recording artist and film and TV star Vina Morales na first time lumabas sa play at nag-daring sa kanyang role bilang si Sherrie. Umiikot ang istorya ng Rock of Ages noong 1987 sa Sunset Strip sa LA. Si Drew, (Nyoy Volante) a young busboy na nangangarap maging rock star at nagtatrabaho sa Strip’s most famous bar na The Bourbon Room kung saan na-meet at nakasama niya si Sherrie, a small-town girl na nagpunta ng LA para ipagpatuloy ang kanyang pangarap na maging actress.

Nagmahalan ang dalawa (Drew at Sherrie) pero kaagad itong nagtapos dahil nakilala ni Sherrie ang top rock star na si Stacee Jax at dito na lumutang ang husay ng energetic performance ni Vina kung saan hindi lang ang husay sa acting at pagkanta ang kanyang ipinakita sa nasabing play kundi ang kanyang sexy and daring dance number sa harapan ni Mig Ayesa na isa sa mga higlights ng kanilang palabas.

Bukod sa kanilang tatlo, mahalagang character rin ang ginagampanan dito ni Aiza na ikagugulat ng lahat ang role na ginagampanan na first time lang niyang ginawa at hindi pa napanonood kahit kailan sa mga ginawa nitong play.

Also in the cast are: Jett Pangan, Jinky Llamanzares, Calvin Millado, Apple Chui, Jamie Wilson, Bibo Reyes, Altair Alonso, Bert Angeles, Mikkie Bradshaw and Japs Treopaldo. At narito ang schedule ng palabas every Fridays at 8 PM, Saturdays at 2 PM and 8 PM and 3 PM and 8 PM on Sundays. Ticket prices: Orchestra Center-2,000, Orchestra Side-1,750, Loge Center-1,500, Log Side-900 and 700 for Balcony. You can buy your tickets at Atlantis Productions with tel nos…8927078 or 8401187 and at the Ticketworld tel nos. 891-9999.

Rock of Ages is from the direction of Chari Arespacochaga and produced by Atlantis Productions.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply