MV Peach Mountain iniimbestigahan ng HK Maritime

TINUTUTUKAN na ng konsulada ng Pilipinas sa HongKong ang imbestigasyon na isinasagawa ng Hongkong Maritime Department kung sangkot nga ang MV Peach Mountain sa insidente na nagpalubog sa bangkang pangisda ng mga Pinoy sa Pangasinan kamakailan.

Ayon sa  Department of Foreign Affairs (DFA), iniimbestigahan na ng HongKong Maritime Department kung sa kanila nga ang barkong bumangga sa isang Pinoy fishing vessel na nagresulta sa pagkawala ng apat na mangingisda.

Batay sa ulat, nakumpirma na nakarehistro sa kanilang teritoryo ang barkong MV Peach Mountain.

Hiningan na rin ng ahensya ang kumpanya ng nabanggit na barko na nakabase sa HongKong ng kanilang ruta upang mabatid kung ito nga ang nasa likod ng aksidente sa dagat na ikinamatay ng isa katao, ayon sa DFA.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply