MVP kumpirmadong sinakop na ang GMA7

HAYAN na nga at mukhang kinumpirma na ni Manny Pangilinan, may-ari ng TV5 at iba pang malalaking kompanya sa bansa ang bali-balitang siya na ang nagmamay-ari ng kalahati ng shares ng GMA7, ito ay kung pagbabasehan ang panawagan ni MVP sa presscon ng naturang TV station sa Mandarin Oriental, San Francisco, California na anya’y suportahan ang TV5 sa Amerika at huwag ding kalimutang suportahan ang GMA7.

Malamang sa pagbabalik ni Mr. Pangilinan sa Pinas pagkatapos ng TV5 International Launch sa Amerika ay baka ayusin na nito ang pormal na pag-upo sa trono ng Kapuso network.

Ano kaya ang magiging tawag kapag ang Kapuso at Kapatid ay magsanib, Kapusod? Hehehe!

Well, masaya ito. At least, dahil kay MVP, hindi mawawalan ng trabaho ang karamihan sa talents ng Siyete. Si Ms. Angel kaya, mananatili ba sa pwesto nya?

Si Pechay, este, Ms. Peachy, na lumayas sa Channel 7 at lumipat sa ABS-CBN at ngayon sa Singko, aapak kayang muli sa rati niyang pinagsisilbihang network?

Bueno, abangan na lang natin ang susunod na mga kabanata.

***

Singkit na mata ng female singer lumaki at pumungay

MUKHANG hindi raw naging maganda ang resulta nang pagpaparetoke ng female singer na produkto ng singing contest sa telebisyon sa kanyang facelak. Instead na gumanda kasi ang hitad, naokray lalo ang kanyang beauty. ‘Yung matangos niyang ilong ay pinataas pa, ang kanyang kili-kili ay plinantsa na oks naman sana pero nang pagalawin na raw nito ang kanyang mata ay don na nasira ang kanyang kagandahan. Paano’y cute naman ang pagkasingkit n’ya, para syang Haponesa, pero nang palakihan niya ng konti ang kanyang eyes ay sumobra ito sa pungay to the point na nagmukha na siyang manok na may sipon.

Patunay lamang na hindi lahat nang niretoke ay gumaganda. Hello, Ms. Gretchen Barretto, are your there? Hahaha!

Well, ang mahalaga, kumita ang kanyang pelikula. ‘Yun na!

***

Kapamilya stars pasasayahin ang mga Pinoy sa Barcelona, Spain

MAGBABALIK ang Kapamilya Fiesta World sa lugar kung saan ito nagsimula – ang romantikong siyudad ng Barcelona, Spain. Dito ang unang international venue ng Kapamilya Fiesta World at isang engrandeng pagbabalik ang mangyayari sa ika-3 ng Hunyo sa Parc de la Barcelona para sa ikalimang taong selebrasyon.

Pagkatapos ng unang pagsulong sa event, naging sunod sunod na ang paglulunsad ng Kapamilya Fiesta World sa iba’t ibang bansa na siyang nagpasaya sa libo-libong Kapamilya sa buong mundo. Ilan sa mga nabisita na ng event ay Canada, Italy, Dubai, Japan, Paris at USA.

Dadalo dito ang mga bida ng primetime na sina Coco Martin, Bea Alonzo, Enchong Dee at Angelica Panganiban at ang talented at sexy na si Giselle Sanchez ang magsisilbing host.

Magkakaroon din ng pagkakataon ang mga Kapamilya natin sa Barcelona na manalo ng isa sa tatlong iPad. Dagdag pa rito, masasaksihan din ang TFCikat Singing Contest Grand Finals na siyang inorganisa ng TFC.

Dadalo din ang mga VIP ng Kapamilya network na sina Ron Valdueza, Chief Finance Officer, August Benitez, Head of ABS-CBN Sales, Jerry Bennett, RNG – VP, Egay Garcia, TFC – Europe Managing Director at Danny Buenafe, Europe News Bureau Chief.

Naglalayon ang ABS-CBN na magbigay ng saya sa mga Kapamilya nating itinuturing na bagong bayani ng bayan na nakatira at nagtatrabaho sa abroad. Sa pamamagitan ng Kapamilya Fiesta World, ang flagship carrier ng ABS-CBN para sa mga international events, inilalapit ng Kapamilya network ang Pilipinas sa mga Pilipino, saan mang dako ng mundo.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply