Nag-panic ang mag-ina nang getlagin ng bangko ang kanilang balayzung!

KINUMPIRMA sa amin ng aming source na dapat na palang kabahan talaga ang mga artista at talent manager na nakakontrata sa GMA7 dahil sa tuloy na pala talaga ang bentahan nito sa pagitan ng mga Gozon at ng mayamang negosyanteng si Manny Pangilinan.

Tuloy nagpa-panic na ngayon ang mga nagrereyna-reynahang artista sa Kapuso Network. Masuwerte itong sina Izza Calzado at Paulo Avelino na nauna nang nakalipat sa ABS-CBN Channel 2 dahil mas lalo pa ngang gumanda ang career ng dalawa buhat ng sila’y magdesisyon na iwanan ang Kapuso Network.

At ayon sa aming source, early next year (2013), ang TV5 na umano ang siyang mangangasiwa sa nabanggit na net-work. Siguradong maraming talent ng GMA7 ang mawawala. Ewan ko lang kung tatanggapin pa sila sa ABS-CBN kapag tangkain nilang mag-over da bakod? (Di naman daw makikialam sa management ng Siyete si Mr. Pangilinan, Dhan. Ang TFC ang kanyang target talaga. – Ed)

***

AND speaking of todo-panic, sobrang nag-panic palang talaga ang mag-inang producer nang puntahan sila ng mga tagabangko para rematahin ang kanilang building na nakatirik d’yan sa may Scout Santiago corner Roces Ave. QC.

Matagal na palang nakasangla sa bangko ang property ng mag-inang producer. Nalulong yata sa pagka-casino ang mag-ina at nagpatalo ng milyones kaya napunta rin pala sa wala ang mga naipundar ng mga ito.

Nagkataon pala na nasa Davao pa ang nanay na producer nang sumalakay ang mga tagabangko para kumpiskahin ang naturang building kaya sobrang nataranta raw ang mga kasambahay nito.

Kaya nang dumating daw ang produ mula Davao ay another panic na naman daw ang nangyari. Well, ito na kaya ang karma ng nasabing producer?

Ang tanong, saan kaya kukuha ng malaking halaga ang mag-inang produ na ‘to? Balita kasi naming kulang-kulang sa 50 milyones ang atraso nila sa bangko. ‘Yan ang aabangan natin.

***

ISANG kalye na lang mula sa Timog Ave. going to Panay St. at maabot na ng mga Wonder Gays ang pangarap nilang stardom. Sa ngayon unti-unti na kasing nagkakaroon ng linaw ang kanilang career.

Una, pangarap ng mga alagang baklush ni Lito de Guzman na mai-direk sila ni Bb. Joyce Bernal, na natupad naman sa pamamagitan ng Kapitan Owesome na pinapalabas sa TV5.

Sobrang saya at neat ang Kapitan Owesome na pinagbibidahan nina Empoy at Marty Escodero. Mga baklang alien ang papel sa naturang Gag Show na ito sa TV ng mga Wonder Gays.

Every Sunday, 2:00 to 3:00 pm ito nag-eere kaya kung gusto ninyong maaliw panoorin n’yo ang Kapitan Owesome. Abala rin sa ngayon ang mga Wonder Gays sa paggawa ng kanilang album.

Kaya naman sobrang saya ngayon ng kanilang manager na si LDG dahil sa tinatamasang tagumpay ng kanyang mga ala gang baklush. Ayon pa rito kay Mather Litz, nagbunga na daw ang kanyang pagpupursigeng mabigyan ng puwang sa showbiz ang kanyang mga alaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply