Naglalakad ng tulog, CAFGU nabaril ng kabaro

NASAWI ang isang miyembro ng civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) makaraang mabaril ng sariling kasama habang naglalakad ito ng tulog sa Digos City kaninang umaga, Hunyo 30.

Nabatid na binaril ng suspek na si Ericson Amban, 24, isa ring Cafgu, ng Sitio Palkatahan, Brgy. Binaton, Digos City ang biktima na si Alvino Handis, 53, ng Sitio Mindayan, Brgy. Binaton, naturang lungsod.

Dakong  alas-2:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente kung saan lumabas si Amban upang tingnan kung sino ang nakasagi sa mga nakatali at nakabitin na mga bote.

Hindi nakilala ng on-duty na Cafgu ang biktima dahil sa madilim ang paligid kung kaya nagpahayag ito ng password ngunit hindi sumagot si Handis kaya napilitan si Amban na paputukan ito.

Ngunit laking gulat ni Amban nang malapitan ang biktima dahil ang kasama pala niyang inaakala niyang tulog na ang kanyang nabaril.

Ayon sa anak ng biktima, posibleng naulit ang sakit ng kanyang ama na naglalakad kahit na tulog kung kaya nang tanungin siya ni Amban ng kanilang password ay hindi ito nakatugon.

Isinuko na rin ng detachment commander ang Cafgu at inaantay na lamang ang pamilya ng biktima kung sasampahan ng kaso ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply