Naglipanang mga nagtitinda malakas daw kay tserman

SILIPIN natin itong sangkaterbang nagtitinda sa gitna ng kalye ng barangay ni Chairman Nory Martin ng Brgy. 61 Zone 5 ng District 1 ng Maynila.

Aba’y animoy ginawa nang palengke ang mga kalye gaya ng Corcuera Lecheros hanggang doon po sa Peñalosa ng kahabaan ng Juan Luna Street sa Ton-do, Maynila.

Hindi ko po sinasabing may lagay kay Chairman Martin ang mga nagtitinda sa mga nabanggit na kalye.

Ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit tila mistulang ‘inutil’ si chairman kahit na nakikita na niya ang mga naglipanang mga nagtitinda sa mga nabanggit na kalye.

Bukod sa napakaruming tingnan ay istorbo pa ito sa daraanan ng mga sasakyan at mga tao.

Ang balita ko ay napakatagal na palang na nag-o-operate ang mga puwestong ito at kaduda-duda na nakikinabang si Chairman Nory kundi man ay kinukunsinti n’ya ang mga ito dahil sa pawang mga botante niya.

Ang hindi maganda pa nito sa bukana pa lang ay madalas ding napagkikita ang grupo ng mga tambay na nag-iinuman, kasama ang mga nagtitinda  sa Corcuera.

Ang masakit pa nito ay hindi man lamang sinusuway ni Chairman Nory ang mga nag-iinumang tambay kaya tuloy ang mga anak ng mga tagaroon na umuuwi ng gabi sa trabaho at eskuwela ay natatakot nang umuwi.

Mayor Fred Lim at MPD PS 7, pakitulungan n’yo lang po ang mga taga-Brgy. 61 Zone 5.

Untouchable sa lahat

Sa Brgy. Darangan, Binangonan, Rizal ay may isang untouchable na peryahan diyan na pag-aari ng isang alyas Nerba.

Malakas daw ito sa kapulisan ng Rizal at sa mayor ng Binangonan.

Bakit?

May lagay raw kasi sa lahat ng lokal na…

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog  @yahoo. com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply