Nagngingitngit na fans inawat na ni Pacman

INAWAT na ni People’s Champ Manny Pacquiao ang ngitngit at init ng ulo ng kanyang mga fans na patuloy na nagpoprotesta sa naging resulta ng laban kay undefeated boxer Timothy Bradley.

Sinabi ni Pacquiao na naiintindihan niya ang saloobin ng kanyang mga tagasuporta subalit sa puntong ito, mahalagang ipakita ang pagiging professional at pagrespeto sa hatol ng mga hurado.

Taos-puso ring nagpasalamat ang Pambansang Kamao sa mga patuloy na naniniwala sa kanya at sa mga nanalangin na manalo siya sa laban ng tinagurian “Desert Storm.”

Ani Pacquiao hintayin na lamang ang rematch sa pagitan nila ni Bradley nang malaman kung sino talaga ang panalo sa kanilang dalawa.

Naniniwala din ang People’s Champ na mayroong mas malalim na dahilan ang kanyang pagkabigong madepensahan ang WBO welterweight crown.

Sa ngayon aniya ay mayroon siyang peace of mind at mas lalong tumibay ang kayang pananampalataya sa  Panginoon.

Tanggap na rin ng pamilya niya ang kanyang pagkatalo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply