NAIA Expressway project II inaprubahan na ni PNoy

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III bilang pinuno ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang ikalawang yugto ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Expressway Project.

Ayon kay NEDA Director General Arsenio Balisacan masisimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bidding process para sa pagpapatupad ng proyekto na nagkakahalaga ng P13.575 billion.

Ang NAIA Expressway Project ay isang 4 lane elevated expressway na magmumula sa Sales St. patungong Andrews Avenue, Domestic Road, MIA Road at magtatapos sa Roxas, Blvd.

Kabilang din sa proyekto ang isang Toll Plaza at limang (5) on and off ramps.

Samantala, pinabulaanan naman ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na hindi ang pagsasara ng runway ang nagdudulot ng traffic congestion ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Iginiit ni MIAA Control Tower acting Supervisor Carlos Mundo, wala pang apektadong flight sa pagsasara ng pinakadulong bahagi ng NAIA runway 06 dahil ang runway 24 ang kadalasang ginagamit ng mga eroplano para sa landing at takeoff mula pa noong Mayo 25.

Matatandaan na kamakailan ay isinara ang dulong bahagi ng NAIA runway 06 para sa isinasagawang rehabilitasyon ng lightning system ng runway na tatagal ng isang buwan ang repair works nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply