Nakalilitong pahayag sa Panatag pinuna

HINIKAYAT ng isang mambabatas si Pangulong Benigno Aquino III na magtalaga ng tagapagsalita sa isyu ng iringan ng Pilipinas at China kaugnay sa usapin ng Panatag o Scarborough Shoal upang maiwasan ang mas malalim na kalituhan.

Ani Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, chairman ng Defense Committee, nakakadismaya ang magkakasalungat na pahayag ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) sa kung dapat nang bumalik ang mga barko ng bansa sa Panatag.

Ito ay dahil sa ang DND ay pabor sa ganitong hakbang subalit ang DFA ay nagsasabi na kailangan pa umano ng re-evaluation dito.

Sinabi pa ng kongresista na masyadong marami ang mga opisyal na nagsasalita sa isyu ng Panatag Shoal subalit magkakasalungat naman kaya lalo lamang umanong nakakagulo at nagdudulot ng kalituhan.

Naghain na rin ang kongresista sa Kamara ng isang resolusyon sa Kamara na nagpapatalaga ng isang spokesman lamang kapag may umusbong na isyu o iringan sa relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa.

Dahil dito kayat iginigiit ni Biazon ang pagsusulong ng resolusyon sa pagbabalik ng sesyon upang hindi umano laging nalalagay sa alanganin ang posisyon ng pamahalaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply